HOROSCOPE | ENERO 8, 2019 (Martes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 8, 2019 (Martes): Malalaking suwerte ang para sa iyo. Huwag mong unahin ang ibang tao dahil baka mas mauna silang suwertehin kaysa sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19)- Higit kailanman, ngayon mo na dapat ilabas ang iyong tapang at katatagan. Hindi lang ang mga karibal mo ang susuko sa iyo kundi maging ang mga pagsubok sa harapan mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-21-28-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-obserba ka! Sa pag-oobserba, may mga sikreto ng pagpapayaman kang makikita na puwede mo ring isabuhay. Kung sila ay umasenso, aasenso ka rin sa sarili mong paraan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-15-28-34-37.
GEMINI (May 21- June 20) - Nagsasayawan ang mga dahon sa malamig na simoy ng hangin. Ibinabalitang ang masasayang kaganapan ay tatalunin ang negatibong nangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-20-21-25-33.
CANCER (June 21- July 22) - Nagmamatyag sa iyo ang malaking suwerte na sawa na sa mga mapagkunwaring tao. Ipakita mo kung ano ang tunay na ikaw at yayakapin ka ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-28-30-31-34-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gusto mo bang mas suwertehin ka pa kaysa sa nakaraang mga araw? Siyempre, gusto mo! Dahil dito, unahan mo ang Haring Araw sa pagsikat kung saan gumising ka nang maaga. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-22-26-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Simple lang kung paano ka magkakaroon nang maayos at magandang buhay. Unahin mo ang mga prayoridad mo sa buhay. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-27-30-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipinaaalala sa iyo ng kapalaran mo na kung saan ka masaya, roon ka. Ito rin ay nagsasabing, kung saan magiging masarap ang buhay mo, ‘yun ang piliin mo. Hindi ka dapat magkamali! Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-28-30-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Itaya mo ang iyong kapalaran at tiyak na mananalo ka. Ang buhay ay pakikipagsapalaran at ang hindi tataya ay walang makukuha pabalik. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-20-26-34-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Angat na angat ka dahil muli kang iaangat ng kapalaran mo sa mas mataas na kalagayan kaya lang darami ang iyong mga obligasyon sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-14-23-31-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isang laro ang buhay sa mundo. Makipaglaro ka at huwag kang masyadong magseryoso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-18-21-26-34-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakatok sa pintuan ng puso mo ang hindi mo gaanong kakilala, kaya lalakas ang iyong kaba. Papapasukin mo ba? Ang hula ay nagsasabing, oo, papasukin mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-29-39-40-41-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang malakas ang loob, sa kanya ka dumikit. Ito ang sikreto para mas gumanda pa ang buhay mo. Gawin mo ito ngayon at huwag ka nang madalawang-isip pa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-27-28-37-41-45.




Comments