Birthday celebration sa resort | 5 YRS. OLD NALUNOD SA POOL, DEDO

NAUWI sa trahedya ang masayang birthday celebration sa isang resort matapos malunod sa swimming pool ang limang taon gulang na babae sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Ayesha Amore Herera, estudyante, ng Sta. Cruz, Manila.
Sa imbestigasyon ni PO2 Philip Cesar Apostol, unang inimbitahan ang biktimang kanyang uncle na si Yeardly Russle Bautista, 22, sa birthday celebration ng girlfriend nitong si Eillen Carandang, 31, na ginanap sa M&A Resort sa Bgy. Maysilo.
Habang nagkakasiyahan bandang alas-2:30 ng hapon, laking-gulat na lamang ng mga ito nang ipaalam sa kanila nang kanilang mga kasamahan ang tungkol sa biktima na nakitang nakalutang sa swimming pool.
Sinubukang i-revive ni Mary Grace Carandang, 32, nurse, ang biktima sa pamamagitan CPR bago mabilis na isinugod sa San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital subalit, binawian din ito ng buhay alas-7:25 ng gabi.





Comments