Baby, mana sa Kanong padir… POKWANG, PINAGDUDAHANG INA NG ANAK, SINITA SA AIRPORT ABROAD
- BULGAR

- Jan 8, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KUWENTONG airport pa rin, nakakatuwang ikinuwento ni Pokwang sa guesting niya kasama ang kaibigang si K Brosas sa Gandang Gabi Vice nu’ng Linggo (January 6) ang naging pagkuwestiyon sa kanya ng isang airport personnel kung siya ba talaga ang ina ng kanyang anak na si Malia Francine.
Kuwento ni Pokwang, “Ito, hindi ito chika, totoong nangyari talaga. So, pauwi na kami galing San Francisco. Boarding na. Tapos, sabi ng ground staff doon, ‘All the passengers with a baby...’ Sabi sa akin, ‘Are you the mother?’ ‘Yes.’ ‘Are you sure you are the mother?’ sabi sa akin.”
Dagdag pa ng komedyana, “Buti na lang, kasunod ko si Papang (Lee). Sabi niya, ‘I will carry (Malia).’
Ano ‘yun? Talagang naloka ako, ‘Are you sure you are the mother?’”
Dahil daw dito ay tawa sila nang tawa hanggang makasakay sa eroplano.
Si Malia Francine ang anak ni Pokwang sa ka-live-in na Amerikano na si Lee O’Brian. At para kay Pokwang, ang kanyang anak na si Baby Malia ang pinakamagandang biyaya at regalo na natanggap niya nu’ng nakaraang taon.





Comments