top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Suspek sa rape-slay, nagbigti sa selda

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2019
1 min read

NAGBIGTI sa kulu­ngan ang suspek sa pagga­hasa at pagpatay sa anim na taong gulang sa Jasa-Jasa, Sasa, Davao City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Pol. C/I Ruben Libera, nagsasagawa sila ng Oplan Greyhound kasabay ang paglilinis sa selda sa Sasa Police Station kung saan ang suspek na si Limar Cano, 20, ang nakatoka na maglinis.

Dito ay pinalabas muna ang halos 20 detainees na ang iba ay may kasong pagtutu­lak ng droga.

Ayon kay Libera, mata­pos ang ilang minuto nang balikan ang kulungan ay nag­taka ito kung bakit tahimik, kaya tinawag nito si Cano ngunit, walang sumasagot.

Dito na pinasok, partiku­lar ang banyo at tumambad si Cano na nakabitin at wala ng malay.

Dahil may pulso pa, agad itong dinala sa Southern Philippines Medical Center ngunit, idineklarang dead-on-arrival.

Ginamit umano ng bi­lang­go sa pagbigti ang asul na tali sa duyan sa loob ng kulungan.

Nabatid na bawal ang duyan sa loob ng kulungan ngunit, dahil sa siksikan na ang mga preso kaya pansa­mantala umano itong pina­hintulutan.

Isa umano sa mga in­mate ang sinabihan niya na siya talaga ang pumatay sa bata matapos niyang daga­nan ng unan sa mukha at balian ng leeg saka inihulog sa da­gat sa ilalim ng kanyang boar­ding house. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page