Sunog sumiklab sa residential area, 100 bahay tupok

NASA 100 bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog sa Mauban Street, Bgy. Manresa, Quezon City.
Nag-umpisa ang sunog alas-11:00 ng gabi ng Sabado, habang itinaas sa ikalimang alarma pasado alas-12:00 ng hatinggabi ng Linggo.
Mabilis ang paglaki ng sunog dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa nabanggit na residential area.
Tumulong na rin ang mga residente sa mga bumbero sa pag-apula sa sunog. Kaugnay nito, lima katao ang sugatan sa insidente.
Samantala, idineklarang fire under control ang sunog ala-1:35 ng madaling-araw at fireout na bago mag-alas-3:00 ng madaling-araw.
Pansamantalang namamalagi sa Manresa covered court ang mga apektadong residente.





Comments