Lola at 2 apo patay sa sunog

DEDO ang 55-anyos na lola at ang kanyang dalawang apo makaraang masunog ang kanilang bahay sa Lapu-Lapu City, Cebu, kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang mga biktima na si Rosalinda Armilla at mga apo na sina Desiree Jalipot, 14, at Aaliyah Jean Inoc, 7.
Batay sa ulat, nasunog ang bahay ng mga biktima sa Joanna Homes Subdivision, Sitio Sudtonggan, Bgy. Basak, pasado alas-5:00 ng madaling-araw.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nakulong sa kanilang kuwarto sa ikalawang palapag ang maglolola habang nasa kalagitnaan ng paglamon ng apoy.
Namatay ang mga biktima dahil umano sa suffocation. Agad tinupok ng apoy ang bahay ng mga biktima dahil malaking bahagi nito ay gawa sa light materials.





Comments