Kuwarto nasunog, 5 patay
LIMANG menor-de-edad ang patay habang isa ang sugatan nang masunog ang “escape room” sa Lungsod ng Kaszalin, Poland, ng Biyernes ng gabi.
Batay sa impormasyon, ang mga nasawi ay pawang kababaihan na nasa edad 15 at ang sugatan ay 25-anyos na lalaki na nagtamo ng mga paso sa katawan.
Nauuso umano ang escape room sa bansa bilang laro kung saan ikukulong sa loob ng isang oras ang mga kalahok at binibigyan ng mga clue para makalabas sa kuwarto.
Iniutos ng awtoridad na suriin ang mga escape room sa buong bansa upang malaman kung ligtas ang mga ito mula sa mga sakuna.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa naging sanhi ng sunog.





Comments