top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kelot binaril ng kapitbahay

Maeng Santos
Jan 7, 2019
1 min read

SUGATAN ang 19-anyos na factory worker matapos barilin ng kanyang kapitbahay makaraang magtalo sa Caloocan City.

Isinugod sa ospital si Joshua Tablate, ng Bgy. 171 Bagumbong sanhi ng tama ng bala sa kanyang mga hita, habang tumakas naman ang suspek na si Ruel Lategio.

Ayon kay Caloocan Police Deputy Chief for Administration Supt. Ferdie del Rosario, alas-11:00 ng gabi, sakay ang biktima kasama ang kanyang tiyahin sa motorsiklo pauwi nang madaanan ng mga ito ang grupo ni Lategio na nag-iinuman sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Gimilina Street.

Sinabuyan umano ni Lategio ng alak na nasa baso ang biktima na naging dahilan upang huminto si Tablate at kinompronta ang sus­pek na nagresulta sa suntukan.

Nang maawat ang dalawa, umuwi na ang biktima kasama ang kanyang tiyahin subalit, sinundan ang mga ito ng suspek na armado ng baril saka dalawang beses pinaputukan sa dalawang hita si Tablate.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page