'Di na kayang itago… KRIS, NAWALAN NG ENDORSEMENT DAHIL SA SAKIT

FOURTEEN days sa Singapore si Kris Aquino na lumipad kahapon para sa kanyang medical evaluation.
Every three months pala, kailangan niyang sumailalim sa medical evaluation to check her vital organs gaya ng kidney, para malaman kung ‘di pa naapektuhan ng kanyang autoimmune disease.
Bago umalis, nagkaroon ng IG Live presscon si Kris kasama ang mga lawyers niyang sina Atty. Sig Fortun at Atty. Nilo Divina para sagutin ang counter affidavit ni Nicko Falcis. Nagulat pa si Kris nang malaman kay Atty. Fortun na may utang siyang P9 milyong komisyon kay Nicko. Pero ang nabasa namin, P20 M ang utang na komisyon ni Kris sa dating business partner.
Nagpaalam sa kanyang mga abogado si Kris kung puwede siyang magsalita dahil pinagbawalan siya. Habang ikinukuwento ang ordeal na pinagdaraanan dahil sa sakit, napaiyak si Kris at pati nanood ng presscon, naiyak lalo na nang banggitin niyang isa sa mga ipinagdarasal niya ay bigyan siya ng seven more years hanggang mag-18 lang si Bimby.
“Nagalit po talaga ako kasi ang pakiramdam ko, kukunin ako sa mga anak ko. Pero ‘yun lang ang hinihingi ko, ‘God, give me the strength to forgive just so my sons could have me for just 7 years.’ Maging adult lang si Bimby,” sabi ni Kris.
Nabanggit ni Kris na allergic siya sa medicines na makakapagpagaling sa kanya. “Medicines that can cure you or at least manage your symptoms kung may lupus ka.”
Ang ginagawa ng kanyang mga doctors ay “delaying the inevitable”, bagay na hindi matanggap ng kanyang mga kapatid. Kinausap niya ang mga kapatid na maging strong para sa kanyang mga anak.
“Please don’t make it harder for me cause the boys have to be assured that come what may, meron silang matatakbuhan. Alam ko, alam n’yo ‘yun, eh. I’m an imperfect person. But I tried my best to be the best mom I can be.”
Bukod sa Chronic Spontaneous Urticaria, may iba pang sakit si Kris at may nakitang bukol sa leeg na ipapa-PET scan niya dahil hindi bumabalik ang timbang niya. Ang magandang balita, na-manage ng mga doctors sa Singapore ang hypertension niya at umaatake na lang ‘pag may monthly visitor siya.
“Hindi ako humihingi ng awa sa inyo kasi God has been really good to me. Every single dream I had from the time I was two years old, ibinigay Niya. Pero nanay ako, eh. I just want to be alive for the two. I even said kunin na lahat ‘to. Ibigay lang ako sa kanila.
“At ‘yun siguro ang hindi maintindihan ni Nicko. Alam ko may masasakit akong nasabi sa kanya pero sobrang sakit na alam mo na hindi ka sigurado, ilang araw, ilang taon, kung ilang buwan ang ibibigay sa ‘yo na maging nanay ka pa. You can hate me for everything but those two boys love me unconditionally and I would do everything just to reassure them na lahat gagawin ni Kris Aquino para si Josh at si Bimby, may nanay. Hindi na ako galit sa ‘yo, Nicko. Pero harapin mo naman lahat ng kaso mo. ‘Yun lang. I did not lie. I don’t want to die being accuse as a liar.”
Apektado ang endorsement ni Kris sa kanyang sakit. With a heavy heart, nagpaalam siya sa Ariel na hindi na niya kayang i-endorse ang powdered soap. Fifteen years siyang endorser nito. May TVC siyang ginawa na hindi pa airing, hindi niya alam kung ano ang mangyayari.
May limang endorsement deal na pirma na lang ni Kris ang kulang, pero sabi nito, handa siya kung i-withdraw ang kontrata. Thankful siya sa endorsements na tuloy pa rin, kasama ang endorsements with her sons at isa pang para sa kababaihan. Tuloy pa rin siya sa Zalora and in fact, maglalabas ng new collection called Kris Curves para sa medyo malulusog at ini-request niya ito.





Comments