Bongga ang regalo… ANGEL, BINILHAN NG BEACH RESORT ANG PADIR

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

Instagram @ therealangellocsin
MUKHANG binilhan ng aktres na si Angel Locsin ng beach resort ang kanyang ama bilang katuparan sa matagal na nilang pangarap, base na rin sa recent Instagram post niya.
Pinasalamatan ng aktres ang kanyang mga tagahanga na nagbigay sa kanya ng pagkakataon at tumulong sa kanyang pamilya para maisakatuparan ang kanilang mga pangarap.
Nilagyan ito ni Angel ng litrato niya na kuha sa Taliyasen Cove, Zambales at may caption na: “Little by little, I’m almost there to fulfill my father’s and now, my dream as well, to have a place where we can spend time as a family while being able to preserve the beauty of nature! I don’t post stuff like this, but this became possible because of you guys so I feel you deserve to know that by giving me a chance in this world, your kindness and love has done wonders to our lives. Thank you so so much.”
Samantala, nag-comment din ang movie producer BF ng aktres na si Neil Arce at sinabing, “Can’t wait to see it.”
Sa ngayon, muli nang magbabalik-telebisyon ang aktres at mapapanood sa teleseryeng The General’s Daughter kung saan ay makakasama niya sina Paulo Avelino, Maricel Soriano, Albert Martinez, Tirso Cruz III, JC de Vera, Ryza Cenon, atbp..
Mapapanood ito sa Primetime Bida na magsisimula na sa Jan. 21, 2019.





Comments