Sakay ng motorsiklo | MAG-UTOL NAGULUNGAN NG VAN, DEDBOL
- Levi Gonzales
- Jan 6, 2019
- 1 min read

PATAY ang mag-utol matapos bumangga at magulungan ng van sa Bgy. Kalyaat, Lucban, Quezon.
Pasado alas-12:00 ng hatinggabi, sakay ng kanilang motorsiklo ang biktimang driver na si Diones Rey, 39, kasama ang angkas nitong kapatid na si Mark Jones Rey, 24.
Paliko sa kurbadang daan ang mga biktima nang bumangga at magulungan ng van na minamaneho ni Jovie Tamonang, 40, ng Parañaque City.
Nadala pa sa pagamutan ang magkapatid subalit, idineklarang dead-on-arrival.





Comments