top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pulis binentahan ng droga, mag-asawa kulong

Maeng Santos
Jan 6, 2019
1 min read

TATLONG hinihina­lang sangkot sa droga kabilang ang mag-asawa ang naaresto matapos magbenta ng shabu sa pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Mala­bon City, kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ni Malabon Po­lice Chief Senior Supt. Jes­sie Tamayao ang mga na­arestong suspek na si Randy Ordejon, 48, at kanyang asawa na si Ma­rivic, 34, kapwa ng Va­lenzuela City.

Ayon kay PO2 Jerry Basungit, alas-3:30 ng ma­daling-araw nang isa­gawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforce­ment Unit sa pangungu­na ni Insp. Rolan­do Do­mingo ang buy-bust ope­ration kontra sa mag-asawa sa kanto ng Mac­Ar­­thur Highway at Uni­versity Ave., Bgy. Potrero.

Nagawang makabili ng isang undercover po­lice na nagpanggap na poseur-buyer ng isang plastic sachet ng shabu sa mga suspek kapalit ng marked money at nang sumenyas ito na nagka­ba­yaran na, agad lumu­sob ang back-up na mga operatiba saka sinungga­ban ang mag-asawa.

Ani Sr. Supt. Tama­­yao, narekober sa mag-asawa ang 11 heat-sealed transpa­rent plastic sachets ng shabu at buy-bust mo­ney.

Ala-1:40 naman ng ma­­daling-araw nang ma­dakip din ng nagpapatrul­yang mga tauhan ng PCP-8 si Frede­rick Camaya, 43, ng Bgy. Longos, sa Ka­dima, Bgy. Tonsuya ha­bang abala sa pagbusisi sa hawak na isang plastic sachet ng shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page