top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Permanenteng evacuation centers, aprub!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2019
1 min read

KASUNOD ng pananalasa ng Bagyong Usman, nana­natili pa rin sa mga evacuation center ang mga pamilyang naapektuhan nito.

Tuwing may bagyo o iba pang kalamidad, ka­da­lasang nagsisilbing masisilungan ang mga paaralan at iba pang pampublikong establisimyento.

Kaugnay nito, muling iginiit ang pagpapatayo ng per­manen­teng evacuation centers upang hindi na magamit ang mga eskuwela­han at nang hindi maabala ang klase.

Kaya sa panukalang 2019 National Budget, kabilang sa alokas­yon ang P2.1 bilyon para sa konstruksiyon ng per­manent evacuation centers.

Sa pamamagitan nito, mas madali na para sa lahat kung saan pupunta sa oras ng kalamidad. Hindi na magsisiksikan sa mga classroom at kahit paano ay magiging komportable ang mga nagsisilikas, lalo na ang mga bata.

Kung wala tayong magawa sa pagdating ng mga sakuna, gamitin natin ang lahat ng pagkakataon para maharap ito nang hindi napapahamak.

Panawagan naman natin sa ahensiyang mangangasiwa sa pagpapatayo ng mga evacuation center, bantayan nating maigi ang proyekto.

Siguruhin nating magagamit nang tama ang budget, maitatayo ang mga permanenteng evacuation center nang matibay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page