Miss U 2018, two-timer daw… CATRIONA, NASIRA DAHIL KAY SAM
- BULGAR

- Jan 6, 2019
- 1 min read

Right: Instagram circulated photo
MABUTI naman at nakalusot at maayos na naipaliwanag ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang iniisyu sa kanya na nagpa-facelift-botox daw siya bago ang ginanap na coronation night ng beauty pageant sa Bangkok, Thailand last December 17, 2018.
Marami kasi ang nagtataka sa malaking transformation ni Catriona noong mismong pageant night na ng Miss Universe. May beauty secret siyang ginamit at pumasa naman ito sa mga jurors ng pageant.
Ngayon naman ay nali-link si Catriona sa Kapamilya actor na si Sam Milby. Alam ng lahat na si Clint Bondad ang BF niya for 6 yrs. na.
Hindi kaya matulad si Catriona kay Pia Wurtzbach na naging paboritong i-bash ng mga netizens dahil sa open niyang love life?
Dapat siguro ay linawin din agad ni Catriona kung ano talaga ang meron sila ni Sam. Maganda ang image niya ngayon bilang Miss U 2018. Sayang naman kung masisira ang imahe niya kapag natatakan siyang two-timer.





Comments