Kelot timbog sa shabu
- Pabs Hernandez III
- Jan 6, 2019
- 1 min read
DAVAO CITY—Isang lalaki ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu sa police checkpoint, kamakalawa sa Bunawan District sa lungsod na ito.
Nakilala ang suspek na si Michael Villordon, residente ng Toril District sa nasabing lungsod.
Nabatid na isang sachet ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Villordon na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments