HOROSCOPE | ENERO 6, 2019 (Linggo)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 6, 2019 (Linggo) Hindi papayag ang iyong kapalaran na manatili ka sa hindi magandang buhay, makikita mong ito ay kumikilos para mapasaiyo ang kaligayahan na matagal mo nang gustong maramdaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pumasok sa kapalaran mo ang malabituing liwanag, hudyat ito na ang mga negatibong nangyayari sa buhay mo ay mawawala na nang tuluyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-20-24-28-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Angat ka ngayon, kaya maraming mata ang nakatingin sa iyo. Hinahangaan ka nila at ikaw ang kanilang magiging inspirasyon. Maraming buhay ang gaganda nang dahil sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-23-28-34-39.
GEMINI (May 21- June 20) - Gumagalaw ang iyong kapalaran para hatakin ang mga suwerteng nasa iyong paligid. Hindi magtatagal ay aapaw ang kaban ng iyong kayamanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-16-21-28-34-37.
CANCER (June 21- July 22) - Nagpaparamdam sa iyo ang malaking suwerte, kaya lalakas ang kaba mo sa dibdib. Itakwil mo ang iyong mga negatibong gawi at ugali. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-20-28-30-32-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ipamigay mo ang hindi mo na kailangan at huwag kang manghinayang. Sa ganito, luluwag ang lalagyan ng iyong suwerte at magsisipasok ang bagong magagandang kapalaran sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-15-16-24-27-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bibisitahin ka ng magagandang kapalaran lalo na kapag nakita ng langit na ito ang kailangan mo. Mapasasaiyo at magkakaroon ng malaking pagbabago ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-9-14-15-29-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nalilito ka ba kung susugod ka para sa ikagaganda ng buhay mo o ikaw ay mananatili sa kasalukuyan? Ang payo sa iyo ay sundin mo ang una. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-11-16-29-30-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi naiiwasan ang magkamali. Ang mahalaga ay kumikilos ka para maitama ang mga ito. Huwag kang matakot na magkamali dahil ang taong natatakot ay hindi umaasenso ang buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-22-28-30-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nahuhulog ang mga bituin dahil hindi na nila kaya ang kanilang bigat at ningning. Ibahagi mo sa iba ang ilang suwerteng iyong tinatamasa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-18-28-30-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka na parang hindi ka tinatablan ng mga intriga. Ito ang panlaban sa mga taong walang magawa kundi ang siraan at pabagsakin ang kanilang kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-19-25-27-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakayanin ng malalapit sa iyo ang hindi mo kayang maranasan, ito ay dahil ang diwa ng kanilang pagtutulungan ay punumpuno ng pagmamahalan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-24-31-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makikitang madalas kang nakatingin sa malayo, ito ay nagpapayo na aktuwal kang lumayo — mamasyal o maglibang ka. Sa ganitong paraan ay mananariwa ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-19-21-22-28-33.




Comments