Empleyado dedo sa bus
QUEZON—Isang empleyado ang namatay nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong bus, kamakalawa sa Bgy. Bocohan, Lucena City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Maylyn Roquino, residente ng naturang lungsod.
Nabatid na naglalakad umano sa gilid ng kalsada si Roquino nang aksidenteng mabangga ito ng bus na minamaneho ni Leo Cajes, nakatira sa bayan ng Naboa, Camarines Sur.
Ayon sa ulat, namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente si Roquino, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Cajes.





Comments