DOBLE-DOBLENG PIGURA SA BUCKS, WALA SI IRVING, CELTICS, NANALASA
- BULGAR

- Jan 6, 2019
- 1 min read

LAHAT ng limang Milwaukee Bucks starters ay umiskor ng dobleng pigura at ipinagmalaki ni coach Mike Budenholzer ang panalo kontra dating team, piniga ang bisitang Atlanta Hawks, 144-112 sa NBA game kahapon.
May naitalang 19 puntos ang Bucks mula kina Khris Middleton at Atlanta native Malcolm Brogdon, samantala 16 points mula kay Giannis Antetokounmpo, 14 kay Eric Bledsoe at 10 kay Brook Lopez. Wala sa starters ang naglaro ng higit sa 22 minuto.
Ito ang unang beses na hinarap ni Budenholzer ang Hawks, ang team na kanyang nai-coach sa limang season bago nagkasundo na maghiwalay ng nakaraang spring break.
Ang panalo ang 5th straight ng Milwaukee, umangat ang Bucks sa first place sa Eastern Conference, ang half-game na lamang sa walang larong Toronto Raptors. Nagwagi ang Milwaukee ng 9 sa huling 10 games.
Naglaro lamang si Antetokounmpo ng 19 minuto, pero naitala ang ika- 25th double-double ng season sa idinagdag na 10 assists, mayroon siyang 8 rebounds.Samantala, sa iba pang laban, tumabo si Jalen Brown ng game-high 21 points upang pangunahan ang Boston Celtics sa 114-93 wire-to-wire victory kontra sa bisitang Dallas Mavericks.
Dumagdag si Jayson Tatum ng 18 puntos at may 17 si Marcus Smart kabilang na ang limang tres bagamat wala ang leading scorer na si Kyrie Irving sa ikalawang consecutive game dahil sa eye irritation.
Wala rin sa Celtics si forward Marcus Morris, na napilayan sa leeg dahil na rin sa pagkabagsak niya noong Miyerkules na laro kontra Minnesota. (MC/ATD)





Comments