top of page
Pokwang.jpg

Ang aking pangarap ni: Shasha

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2019
1 min read

Pangarap kong mangibang-bansa, lumipad at magkaroon ng bahay at lupa.

Pangarap kong magnegosyo, yumaman at

hindi na maging empleyado.

Ngunit, paano ko sisimulan ang mga ito

kung sa unang hakbang ko pa lang ay marami na ang

humahadlang at kumokontra para mabigo ako?

Ano ba namang buhay ito?

Ano? Saan? Paano? Mga tanong sa isip ko

na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasagot.

Kailangan ko na yata ang tulong ninyo, paggabay,

pag-aaruga at inspirasyon.

Aking mga pangarap, matupad ko sana

bago pa bawiin ng Diyos ang buhay ko.

Sa ngayon, magsisikap at mananalangin na lang na balang-araw ay

makakamit ko rin ang mga ito.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page