3 tulak todas sa shootout

UTAS ang tatlong tulak ng shabu makaraang makipagbarilan sa ikinasang buy-bust operation sa Bgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte Bulacan, madaling-araw ng Sabado.
Nakilala ang dalawa sa mga nasawi na sina Roger Polonan at George Abellanosa habang wala namang pagkakakilanlan ang ikatlong napatay.
Apat naman sa kanilang mga kasamahan ang dinakip.
Ayon kay Bulacan Police Director Senior Superintendent Chito Bersaluna, agad nagpaputok ang mga suspek nang matunugan na pulis ang kanilang katransaksiyon.
Kahit may tama ng bala, tinangka pa umanong tumakas ni Polonan pero, nahulog ito sa creek. Nakuha sa nasawi ang cal. 38 revolver na may lamang mga bala.
Naaresto naman sa bahay ni Polonan ang tatlong lalaki at isang babae na naaktuhan pang bumabatak ng shabu.





Comments