top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

3 magkakapatid niratrat sa bahay

Jeff Tumbado
Jan 6, 2019
1 min read

TATLONG mag­ka­kapatid ang patay habang isa pa ang sugatan mata­pos silang pagbabarilin sa loob ng kanilang ba­hay sa Sarangani Pro­vince.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Angelo Ingkong, 36; Ro­lando, 33, at Jason, 25, pawang residente ng Bgy. Lun Masla, Malapatan.

Batay sa inisyal na ulat ng Malapatan Municipal Police Station, pinasok umano ng isang lalaki na armado ang bahay ng Pamilya Ingkong at wa­lang habas silang pinag­babaril alas-11:00 ng gabi ng Biyernes.

Isa pa sa kanilang bunsong kapatid na 7-anyos na lalaki ang gina­gamot sa Dr. George Ro­yeca Hospital sa General Santos City sanhi ng tina­mong tama ng bala ng baril sa kanyang binti.

Tinutukoy pa ng pu­lisya ang pagkakakilanlan sa suspek na posibleng kilala ng pamilya.

Gayunman, ayon sa ibinigay na pahayag sa pulisya ng ilang saksi, namukhaan nila ang sus­pek matapos itong luma­bas mula sa bahay ng mga Ingkong at nagma­ma­daling tumakas.

Napag-alaman na nahaharap umano ang salarin sa kasong murder at attempted murder.

Ilang beses na uma­nong tinangkang arestu­hin ng pulisya ang sus­pek subalit, palagi itong nakakatakas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page