10 yrs. old sinaksak sa dibdib ni tatay

KULONG ang 43-anyos na ama matapos saksakin ang kanyang anak na babae sa Cebu City.
Nahaharap sa kasong parricide ang suspek na si Roger Amora habang ginagamot naman sa ospital ang anak nitong si alyas Angela, 10-anyos.
Biyernes ng hapon nang tarakan sa dibdib ng tatay ang anak sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sitio Palwa, Bgy. Inayawan.
Mabilis na nakahingi ng tulong ang ina ng biktima kaya nailigtas ang buhay ng bata kasabay ng agarang pag-aresto sa suspek.
Sinasabing tila wala sa tamang pag-iisip ang ama nang gawin ang krimen sa anak kung saan ang ginamit na patalim ay may habang siyam na pulgada. Mariin namang itinanggi ng suspek ang krimen.





Comments