Tren sumalpok, 6 dedbol
PATAY ang anim katao at sugatan ang 16 iba pa matapos tumama ang tren sa hindi matukoy na bagay habang binabaybay nito ang tulay na nagkokonekta sa mga isla sa Denmark.
Ayon sa operator ng Danish Railways, nagmula sa siyudad ng Odense ang mga pasahero na patungo sa Copenhagen.
Batay sa ulat, tumama ang tarpaulin sa tren dahilan para huminto ito.
Gayunman, tumama umano ang tren sa hindi matukoy na bagay nang bigla itong mag-break.
Naganap ang aksidente sa Storebelt Bridge kung saan bahagi ito ng tulay at tunnel na nagkokonekta sa mga isla ng Zealand at Funen.





Comments