Traslacion sa Enero 9, walang pasok

SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Enero 9 bilang pagbibigay-daan sa Traslacion ng Poon ng Itim na Nazareno.
Sa pamamagitan ng inisyu na Executive Order 1 series of 2019, nilagdaan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang suspensiyon ng klase at maging ang pasok ng mga empleyado ng Manila City Hall maliban na lamang sa mga departamento na saklaw sa pagbibigay ng peace and order, traffic enforcement, disaster and risk reduction management, health and sanitation, issuance of business permits at koleksiyon ng buwis.
Tiniyak din ni Estrada na tumatayong Hermano Mayor na nakahanda na ang buong puwersa ng city hall para sa Traslacion kung saan may 2.5 milyon katao ang lalahok.





Comments