top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

TAUNANG PSE BULL RUN LALARGA SA MCKINLEY WEST

A.Servinio
Jan 5, 2019
1 min read

GAGANAPIN ngayong Enero 27 ang 15th edisyon ng PSE Bull Run, ang taunang fun run ng Philippine Stock Exchange sa McKinley West sa Taguig City. Tulad ng dati, layunin ng patakbo na turuan ang mga mama­ma­yan sa kahalagahan ng stock market sa pangkalahatang ekonomiya ng bansa.

Bukas ang mga kategoryang 25-km, 21-km, 10-km at 5-km. Ito ang ikalawang sunod na taon na may 25-km na unang ipinakilala noong nakaraang taon bilang paggunita sa ika-25 taon ng PSE.

Kasalukuyang nagaganap ang paglista sa PSE sa Bonifacio Global City, Sportshouse sa SM Mall of Asia at mga sangay ng Olympic Village sa Market Market, Glorietta 2 at Fisher Mall. Mayroon din on­line registration sa www.run­rio.com. Ang mga registration fee ay P1,500 sa 25-km, P1,000 sa 21-km, P900 sa 10-km at P800 sa 5-km. Kasama ang singlet at race number sa race kit.

Lahat ng magtatapos ay maka­tatanggap ng isa pang t-shirt, certificate at regalo buhat sa mga sponsor. May naghihintay na me­­dalya para sa mga sasali sa 25-km at 21-km. Ang 15th PSE Bull Run ang pinakaunang patakbo ng Runrio Events para sa 2019. Ibinalita rin nila na nakatakda ang kanilang pinakahihintay na Runrio Trilo­gy 2019 sa mga araw ng Abril 7, Hunyo 16 at Setyembre 22.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page