top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga pasahero ng bus, dinale 5 MIYEMBRO NG IPIT GANG, ARESTADO

Gina Pleñago
Jan 5, 2019
1 min read

HULI ang limang miyembro ng Ipit Gang matapos mambiktima ng ilang pasahero sa loob ng bus sa Makati City.

Kinilala ang mga hinuling suspek na sina Romero Flores, Ramil Bitoy, John Paul Perez, Roel Justan at Richie Reyes.

Ayon sa ulat ng Makati City Police, naganap ang insidente sa loob ng Jasper Jean Bus, na may Body # 81037 sa harapan ng gas station na matatagpuan sa panulukan ng EDSA at Buendia Avenue, Bgy. Bel-Air sa nasabing lungsod, alas-10:45 ng gabi.

Galing ang bus sa Ortigas, habang sakay ang mga biktima at binabagtas ang naturang lugar nang mapansin nilang nawawala na ang kanilang mga cellphone.

Agad nilang ipinatigil ang bus sa nasabing lugar at humingi ng tulong sa mga namataang nagpapatrulyang pulis na ikinadakip ng limang suspek sa loob ng bus at nasamsam sa mga ito ang walong cellphones.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page