LANIOG, BAGONG HEADCOACH NG LA SALLE GREEN SPIKERS
- BULGAR

- Jan 5, 2019
- 1 min read

KINUHA ng De La Salle University Green Spikers bilang kapalit ng kanilang dating coach na si Norman Miguel si dating College of St. Benilde mentor Arnold Laniog bilang bagong head coach. Sa kanyang panunungkulan bilang coach ng Blazers ginabayan ni Laniog ang koponan sa pag-angkin ng NCAA Season 92 Men’s Volleyball title bukod sa apat na Final Four appearances.
Inaasahang magiging malaking hamon para kay Laniog na pataasin ang performance ng Green Spikers na hindi umaabot ng Final 4 sa nakalipas na limang taon. “Malaking challenge talaga kasi UAAP na ito. Lahat ng kasali na team is very competitive, especially considering na maraming nag-graduate sa team from last season, and now half of the team ay rookies,” pahayag ni Laniog na magsisimulang palakasin ang Green Spikers na nawalan ng mga key players na gaya nina Raymark Woo, Arjay Onia, Jopet Movido, at Mike Frey na pawang natapos na ang playing years. (VA)





Comments