Kung maaaring maglibing sa lupaing malapit sa bakuran ng kanilang bahay
- BULGAR

- Jan 5, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari ba kaming maglibing sa lupaing malapit sa bakuran ng aming bahay? — Helen
Dear Helen,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Presidential Decree No. 856 o Code On Sanitation. Nabanggit sa nasabing batas na:
“Sec. 90. Burial Grounds Requirements. - The following requirements shall be applied and enforced:
a. It shall be unlawful for any person to bury remains in places other than those legally authorized in conformity with the provisions of this Chapter.
b. A burial ground shall at least be 25 meters distant from any dwelling house and no house shall be constructed within the same distance from any burial ground.
c. No burial ground shall be located within 50 meters from either side of a river or within 50 meters from any source of water supply.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, maaari lamang gawing libingan ang inyong lupain kung ito ay malayo nang dalawampu’t limang (25) metro mula sa lugar na may tahanan.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments