Kaya swak na raw kay Sam… IBINULGAR: CATRIONA AT BF NA SI CLINT, HIWALAY NA!
- BULGAR

- Jan 5, 2019
- 1 min read

NAUUGNAY ngayon sa isa’t isa sina Ms. Universe 2018 Catriona Gray at Halik actor, Sam Milby, dahil sa lumabas na video at larawan ng dalawa na magkasama, kasama ang ama ng beauty queen na si Ian Gray.
Nu’ng una ay ‘di klaro kung saan ito nakunan, pero sa panayam ng Pep.ph kay Erickson Raymundo, manager nina Sam at Catriona, ay naipaliwanag nito na “coincidence” lang ang pagsasama ng dalawa na naganap sa farm na pag-aari niya sa Tanay.
Ayon sa Cornerstone president, kabilang si Catriona at ang ama nito sa ilang piling guests na inimbitahan niya at gayundin si Sam na libre naman noon sa taping ng Halik.
Dagdag pang pahayag ng talent manager, ‘di ito dapat bigyan ng kulay dahil bukod sa good acquaintance ang dalawa ay iisa pala ang church na dinadaluhan nila, pati ang kanilang Bible study group.
May nakausap naman kaming reliable source na nagkuwento sa aming break na raw si Catriona at ang 6 taon nitong karelasyon na si Clint Bondad.
Ayon sa aming source, bago pa lumaban sa 2018 Ms. Universe pageant si Catriona ay nagkakalabuan na sila ng BF kaya kung makita mang lumabas sina Sam at Catriona ay walang magiging problena.
Bukas naman ang Halik actor na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang girlfriend at naghihintay na lang ng tamang babae para sa kanya. Sa isang pag-uusap nga namin ni Sam ay nabanggit nito na sa susunod na makakarelasyon niya, ang gusto niya ay ‘yung pangseryosohan na talaga at mauuwi na sa kasalan at pagbuo ng isang pamilya.





Comments