top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dalawang lalaking nakaputi na naghuhukay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Rosalie ng Maria_Rosalie_Gemao@facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na galit na galit daw ako dahil may naghuhukay ng lupa sa tabi ng bahay namin at sobrang lalim daw nito tapos, hindi ko alam kung ano ang ililibing du’n.

‘Yung dalawang lalaki na naghuhukay ay nakasuot ng puting damit at sa panaginip ko, gusto ko na rin daw magsuot ng puting damit tulad nila.

Naghihintay,

Rosalie

Sa iyo Rosalie,

Ibig sabihin, may nakabaong “kayamanan” sa lupa sa tabi ng bahay ninyo. Pero, bago ka magtatatalon, kalimutan mo muna ang “treasure hunting” na madalas nating naririnig sa mga balita dahil ang kayamanan na tinutukoy sa panaginip mo ay ang kayamanan na nasa malalim na iyong kamalayan. Ang “malalim na kamalayan” ay ang tinatawag na “unconcious-self “ ng tao.

Ayon sa mga sikolohista, sa unconcious-self nakaimbak ang ating mga natatagong galing, husay at mga pormula ng tagumpay na ating mga sandata laban sa mga hamon ng kapalaran. Ito rin ang sikreto ng ating kaligayahan at tagumpay.

Ang lalaki sa iyong panaginip ay sinisimbolo ng aggre­siveness, tapang at lakas ng kalooban at dahil dalawa ang lalaki sa panaginip mo ibig sabihin, sobra silang matatapang.

Eh, bakit “nakaputi” ang dalawang lalaki? Ang puti ay nagsasabing wagas, dalisay malinis at mabuti, as in, pure at holy.

Kaya paano mo makukuha ang “kayamanan”? Ang susi ay ang pagkakaroon ng “purity of the heart and mind”.

Ayon din sa panaginip, may malaking bagay kang gustong gawin sa buhay mo, kaya lang nakataya rito ang iyong magandang kinabukasan o masaklap na kabiguan.

Kaya, ang tanong, gusto mo bang magtagumpay sa iyong ambisyon? Siyempre, oo, kaya magpasalamat ka sa panaginip mo dahil itinuro niya ang paraan upang hindi ka mabigo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page