Dagdag-presyo sa gas

MAGPAPATUPAD ng dagdag-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo.
Nag-abiso ang kumpanyang Jetti Petroleum na inaasahan ang oil price hike, matapos ang ilang linggong sunod na rollback.
Sa pagtaya sa presyo ng diesel, maaaring 15 hanggang 20 sentimos ang madaragdag.
Habang sa presyo naman ng gasolina ay maaaring 30 hanggang 35 sentimos ang madaragdag.
Gayunman, maaari pang mabago ang estimated na dagdag-presyo depende sa magiging resulta ng trading ngayong araw.





Comments