top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Criminology student na holdaper-karnaper, kulong

Maeng Santos
Jan 5, 2019
1 min read

ARESTADO ang 19-anyos na Criminology stu­dent na sangkot umano sa pagnanakaw sa dalawang menor-de-edad ng motor­siklo, gadgets at cash habang nakatakas naman ang ka­sab­wat nito sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Po­lice Chief Senior Supt. David Nicolas Poklay ang naares­tong suspek na si An­gelo Cuabo, ng Bgy. Potrero, Ma­labon City habang pinag­ha­hanap si Harvey Soriano ng Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon kina PO3 Jennifer delas Nadas at PO2 Ana Grace Mendoza, alas-12:30 ng hatinggabi, sakay ang da­lawang menor-de-edad na mga biktima sa isang Mio 125 motorcycle habang ti­natahak ang kahabaan ng MacArthur Highway nang harangin ng mga suspek sa Bgy. Dalandanan.

Sapilitang inagaw ng mga suspek sa mga biktima ang motorsiklo at kinuha ang ka­nilang cellphone, power bank, vape at P2,500 cash bago tu­makas patungong Caloo­can City.

Humingi naman ng tu­long ang mga biktima sa pulisya na agad nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Cuabo sa kahabaan ng Gen. Tinio St., Morning Breeze, Caloocan City habang naka­ta­kas naman si Soriano.

Sinabi ni Sr. Supt. Pok­lay na narekober ng pulisya ang motorsiklo at iba pang per­sonal na gamit ng mga bik­tima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page