top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

5 yrs. old kinidnap, ginang huli

Jeff Tumbado
Jan 5, 2019
1 min read

KASONG kidnapping ang isinampa laban sa 39-anyos na ginang na sinasa­bing dumukot sa 5-taong gulang na babae sa Cubao, Quezon City noong Enero 1.

Ayon kay QCPD Director, PC/Supt. Joselito Esquivel, Jr., paglabag sa RA 7610 (Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination) ang kinahaharap na kaso ni Amalia Bonete, residente ng Tala, Caloocan City.

Sa ulat ng QCPD, alas-10:10 ng gabi noong Enero 1, nang ini-report ni Herminia Manalo-Tendaoco, 29, ng Sariaya, Quezon sa Cubao Police Station-7 na bigla na lamang nawala ang kanyang anak ala-1:00 ng hapon sa Bgy. E. Rodriguez, Cubao.

Agad na kumuha ng CCTV footage ang pulisya sa nasabing lugar at doon nakita ang ginang na akay-akay nito ang bata habang naglalakad sa sidewalk.

Agad namang nakatanggap ng impor­masyon alas-6:30 ng hapon ng Enero 3, si SPO1 Wency dela Cruz ng Caloocan City Police Station at ipinagbigay-alam kung saan matatagpuan ang nawawalang bata.

Rito na rumesponde ang Caloocan police at nabawi ang bata saka itinurnover sa Cubao Police Station.

Mariin namang pinabulaanan ng ginang na kinidnap nito ang bata at sinabing kaya niya dinala sa kanilang bahay ang bata dahil anak umano ito ng kanyang kaibigan na nakatira sa Quiapo, Manila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page