3 magkakaanak pinagbabaril, todas


TATLONG magkakaanak ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan sa pamamaril sa Basilan.
Naganap ang insidente malapit sa ginaganap na night market sa bayan ng Hadji Muhtamad kung saan nasawi si Nasta Sahibad, kanyang bayaw na si Basal at kaanak na si Arab.
Nasugatan naman ang mister ni Nasta na si Deo at ang biyenang si Farisiya na kapwa dinala sa Zamboanga City Hospital.
Ayon sa Hadji Muhtamad police, pawang miyembro ng civilian volunteers ang bumaril sa mga biktima.
Isang alyas Albani ang sinasabing kabilang sa mga suspek na dating kagawad ng barangay sa lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon, naghihinala ang grupo ni Albani na ang mga biktima ang nasa likod ng radio jamming sa lugar at nang magkaroon umano ng pagtatalo ay dito na nangyari ang krimen.
Patuloy na tinutugis ng pulisya ang mga suspek.





Comments