Sa pagpatay kay Cong. Batocabe | MAYOR BALDO, ANG UTAK — PNP

DOUBLE murder at multiple frustrated murder ang kinahaharap na kaso ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo kaugnay sa pagpaslang kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.
Kasong parricide ang kinahaharap ng suspek na si Thelma Cabataña na napatay ang sariling anak na si Kent Joseph dahil sa nangyaring pambubugbog dito noong bisperas ng Bagong Taon.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Joe John Ynot, labis umanong nainis ang ginang sa anak dahil ayaw nitong uminom ng gamot para sa kanyang lagnat.
Sinasabing pinalo nang pinalo ni Cabataña ang anak hanggang sa mahulog ito sa unang palapag ng kanilang bahay na dahilan para masawi ito.
Napag-alaman na personal pa na dinala ng ina ang walang buhay na katawan ng anak sa North Funeral Homes para maembalsamo.
Nang makita ng embalsamador ang puro pasa ang katawan ng bata ay naghinala ito at tumangging embalsamuhin ang biktima.
Sa halip ay tumawag ito sa pulisya at humingi ng tulong sa mga ito.
Kalaunan ay inamin din ng ina sa mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang anak.
Nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya si Cabataña na hiwalay sa kanyang kinakasama.





Comments