Pangmomolestiya kahit ginawang joke — Palasyo | DIGONG, HINDI MAGSOSORI

IGINIIT ng Palasyo nahindi hihingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte makaraang gawing biro ang pangmomolestiya umano nito sa isang kasambahay. “Definitely, hindi, precisely, sinadya niya nga iyon, kaya nga sinasabi niya, ‘that was intentionally made.’ It was concoctive story to dramatize the hypocrisy of a particular man in cloak,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Malacañang.
Minaliit din ni Panelo na posibleng makahikayat ang naging kuwento ng pangulo na harassment laban sa mga kababaihan at household helper na nagtatrabaho sa ibang bansa.
“I do not think so because precisely, it was dramatize din such a way that audience will laugh but even that the message is not lost on the listeners.
Alam nila na merong mensahe si presidente kahit idinaan niya sa pagpapatawa sa kanila,”giit ni Panelo.
Batid naman aniya ng foreign government at nauunawaan ang pangulo sa kanyang paninindigan na protektahan ang mga manggagawang Pilipino.
Nilinaw pa ng opisyal nag inagawa lamang dramatize ni P-Duterte ang kanyang gustong sabihing mensahe sapubliko.
Ang may problema lamang aniya ang mga ultraconservative at kritiko ng pangulo na laging naghahanap ng mali sa kanyang mga ginagawa.
“Alam mo, ang nagiging problema lang yata kasi iyong masyadong, iyong mga ultra-conservative at iyong mga taong hinahanapan talaga ng mali ang presidente. ‘Iyon ang gagawin nilang reaksiyon; but by and large, hindi naman, eh.
They know exactly the message of the president,” paliwanag ni Panelo.
(Mylene Alfonso)





Comments