Pangarap na giyera ng mga komunista ‘pag natuloy | Maraming mamamatay sa pagbagsak ng ekonomiya, kak

LUMIPAS ang 50th anibersaryo ng Communist Party of the Philippines nang walang pumapansin.
Walang malaking rali na naganap at tahimik ang paligid.
Inisnab ng masa ang mga komunista.
Pagkayabang-yabang pang inanunsiyo ng CPP at ng armadong grupo nito, ang New People’s Army na magkakaroon daw sila ng “unilateral ceasefire” sa pakikipaggiyera sa Armed Forces of the Philippines at sa unang pagkakataon ay tinanggihan sila ng AFP.
Sabi ng AFP, wala umano silang pakialam kung mag-ceasefire ang CPP-NPA at tuloy parin ang operasyon nila sa grupo.
Bakit ba tayo makikipag-”deal” sa grupongpalaging binabastos ang proseso ng kapayapaan? Ilang ulit nang pumayag ang AFP sa “ceasefire” kapag kapaskuhan, pero ginagamit lang ito ng mga komunista para mag-recruit ngbagong mga kadre, bumili ng mga armas at mang ambush ng mga sundalo at pulis.
Mabuti at tumigas na ang dibdib ng gobyerno na masyadong naging mapagbigay sa mga komunista.
Hindi kapayapaan ang hangarin ng mga itokundi ang pang-aagaw ng kapangyarihan sa pamamagitan ng rebolusyon.
Tingnan natin ang reyalidad, base sa eksperyensiyang ating kapitbahay sa Asya na nagbakbakan ang komunista na North Vietnam at anti-communist na South Vietnam.
Ayon sa ulat, umabot umano sa 3.5 milyonVietnamese, komunista at sibilyan ang namatay sa digmaang ito, hindi pa kasama ang libu libong namatay na Amerikano matapos makisawsaw nang U.S. sa giyera at kumampi saSouth Vietnam.
Kapag hindi napigilan ang CPP-NPA-NDF sa paglaki ng kanilang puwersa ay posibleng matuloy ang rebolusyo ng pinapangarap nila.
Ilang milyong Pilipino ang mamamatay kapag natuloy ang digmaang ito — hindi lang sa aktuwal na digmaan mamamatay ang mga Pilipino, gayundin maraming mamamatay dahil sa pagbagsak ng ekonomiya, kakulangan ng pagkain at pagkalat ng sakit sa gitna ng patayan at kaguluhan.
Sa estima natin, marami ang maaaring mamatay na Pilipino kapag natuloy ang “revolutionary war” na gustong mangyari ni Jose Maria Sison, ang lider ng CPP-NPA-NDF.
May reputasyon din si Joma sa pagiging malupit sa pagtrato sa mga tao, lalo na sa tingin niya ay nagtaksil sa kanyang grupo.
Ilang libo ba ang ipinautos umano niyang ipapatay sapag-aakalang traydor ang mga ito at naging “double agent”? Malamang ay tutularan ni Joma si Pol Pot, ang lider ng Khmer Rouge ng Cambodia, na nagpapatay sa 1.7 milyon Cambodians dahil hindi nila ito ma-convert sa pagiging komunista.
Ang matagal na umanong plano ng NPA ay paligiran ang mga siyudad ng kanilang puwersa, patayin lahat ng pulis at sundalo at agawin ang kontrol ng mayamang lugar na ito.
Sa mga elitist ang dilawan at taga-unibersidad na hanggang ngayon ay makakomunista, palagay ninyo, sino ang susunod na aatakihin ng CPP-NPA kapag sila na ang awtoridad?
Uunahing kumpiskahin ang pera at ari-arian ng mayayamang dilawan at ipasasara ang mga unibersidad para maging magsasaka lahat ng mga akademiko (tulad ng ginawa noon ni Mao Tse Tung sa China).
Ang mga diyaryo at telebisyon na hanggang ngayon ay panay pa rin ang “P.R” kay Joma Sison, hintayin lang ninyo at ipasasara rin kayo.
Ito ang matagal nang pangarap ni Joma at ng mga katribu niya, ang tinatawag nilang “People’s War”. Pero, ang katotohanan ay sisiraan nila ang ating demokrasya, patatalsikin ang pangulo, sisirain ang gobyerno at lahat ng institusyon para lamang maitayo ang kanilang sistemang komunismo.
Gayundin, ang mga pari at madre na mga makakomunista, ang Simbahan ninyo ay ipasasararin.
Walang bilib sa relihiyon ang mga ito kaya mag-isip tayong mabuti sa patuloy na pagbatikos sa gobyerno habang tahimik tayo sa mga kawalanghiyaang ginagawa ng mga komunista.
Mahilig lang sa “nego-nego” ang CPP maging ang National Democratic Front nila.
Bakit? Dahil kapag may pag-uusap o peace talks ay napalalaya mula sa kulungan ang mga miyembro nila.
Maaari pa silang magpakasaya sa Europa kung saan palaging ginaganap ang negosasyon (at marami ay doon na titira nang permanente para makapag-enjoy tulad ni Joma na hindi na umuwi mula nang palayain ni ex-P-Cory Aquino noong 1987).
Kailangang matapos na ang kalokohang ginagawa ng CPP-NPA-NDF. Hindi tayo uunlad bilang matatag na Republika kung palaging nandiyan ang mga komunista na pumapatay, nangingikil sa mga negosyante at nanggugulo ng mga probinsiya.
Mabuti na lang at marami ng NPA ang umaalis sa kilusan matapos makitang mas maganda Para sa inyong katanungan, suhestiyon at reaksiyon sumulat sa BANAT ni Bobi Tiglao, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave.,Quezon City o mag-email sa banat.bulgar@gmail.com ang magiging buhay nila kapag magiging normal silang mamamayan at susunod sa batas.
Pero, ang lider nilang tulad ni Joma? Hanggang sa mamatay ay hindi na ito aalis doon dahil masaya na siya roon.
Ayaw na niyang umuwi sa Pilipinas at baka pilitin pa siya ng kanyang “comrades” na mamundok. Aba,iinom na lang siya ng wine at kakain ng keso sa Europa, pakialam ba niya sa mga NPA na nasa bundok!





Comments