top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pambabastos ni P-Digong sa kanilang maid noon, oks lang kay Sen. Koko?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 4, 2019
  • 2 min read

PARANG SINABI NI SEN. KOKO NA ‘OK’ LANG SA MGA BAGETS NA BASTUSIN ANG KANILANG MGA KASAMBAHAY—Ipinagtanggol ni Sen. Koko Pimentel si P-Duterte sa ibinida nitong pambabastos kung saan ginawan niya ng kahalayan ang kanilang kasambahay noong kabataan niya na ayon sa senador ay 13-anyos pa lang naman daw ang pangulo nu’ng gawin niya ito sa kanilang housemaid.

Pambihirang senador ito kasi imbes magpalabas siya ng statement para sa kabataang lalaki na huwag tularan ang ginawa ni P-Duterte ay parang sinabihan na rin niya ang mga binatilyo na dahil sila ay mga bagets pa ay “ok” lang na gawan nila ng kahalayan ang kanilang mga kasambahay, buwisit!

◘◘◘

INTELLIGENCE NETWORK NI DILG SEC.AÑO, MAHINA?—Ang punong-tanggapan ni DILG Sec. Eduardo Año ay nasa Quezon City at ang raket na jueteng ni “Ryan” ay nag-o-operate sa Laloma, Masambong, Talipapa at Novaliches na pawang nasa Quezon City.

Kaya ang tanong: Hindi ba namo-monitor ni Sec. Año na namamayagpag na ang jueteng ni “Ryan” sa mga lugar na ito na nasa jurisdiction nina QCPD-Stn.1 (Laloma) Commander Supt. Robert Sales, QCPD Stn. 2 (Masambong) Commander Supt. Rodrigo Soriano, QCPD-Stn. 3 (Talipapa) Commander Supt. Alex Alberto at QCPD-Stn. 4 (Novaliches) Commander,Supt. Rossel Cejas? Aba, kung ganyan, napakahina naman pala ng intelligence network ni Sec. Año, boom!

◘◘◘

PNP-REGION3 AT CIDG-REGION3,‘NGANGA’SA PAMBIBIKTIMA NI ‘KIROS’ SA MGA TAGAANGELESCITY— Tila totoo ang idinadaldal ni “Kiros” na may payola siyang ibinibigay kina “Adarna” at “Abdul” na kapwa nagpapakilalang tongpats collector ng PNP-Region 3 at “Noy” na nagpapakilala namang “tongpats” collector ng CIDG Region 3 bilang proteksiyon sa operasyon ng kanyang drop balls at color games sa Bgy. Pulung-Maragul, Angeles City. Hanggang ngayon kasi ay “nganga” lang sina PNP-Region 3 Director, C/Supt. Joel Coronel at CIDG Region3 Chief, Sr. Supt. Christopher Abrahano sa panraraket ni “Kiros” sa mga residente sa lungsod na ito, buwisit!

◘◘◘

GEN. ELEAZAR, PURO WORK ANGINAATUPAG; ANG IBANG PNP OFFICIAL,NAKATUTOK SA ‘TONGPATS’—Sa tala ni NCRPO Director General Guillermo Eleazar, bumaba ng 21% ang crime rate sa Metro Manila. Good news ‘yan! Kung ang lahat sana ng opisyal ng PNP ay tulad ni Gen. Eleazar na dedikasyon sa tungkulin ang inaatupag at hindi pagpapakolekta ng “tongpats”,eh, sana, good na ang paningin ng publiko sa lahat ng parak, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page