Nagkabulgaran na, kaya nagkawatakwatak… PERA NI VILMA, PINAGAAWAYAN NG MGA FANS


APAT na dekada na ang VSSI (Vilma Santos Solid International) sa pamumuno ni Jojo Lim, ang pangulo ng Vilmanians club na may bendisyon ng Star for All Seasons na si Congw. Vilma Santos-Recto.
Sa loob ng halos 40 taon, naging maayos ang pamamalakad ni Jojo. Walang naging problema si Ate Vi (palayaw ng aktres-pulitiko) sa kanyang mga Vilmanians dahil parang magkakapamilya na ang kanilang naging turingan (sa guidance ni Jojo) simula panu’ng Trudis Liit hanggang sa The Sensations na naging simula para mabuo ang VSSI.
Subali’t nitong nakaraang taon, may ilang miyembrona nagkaroon ng tapang para kumalas at sinubukangmagtatag ng sarili nilang fans club, ito ngang VSFFI (Vilma Santos Fans Forever Int’l.).
Ayon sa isang miyembrong tumiwalag, sila ay hindi binibigyang-pansin ni Jojo.
Pero kung anuman ‘yun(pondo o posisyon?) ay paninira lamang daw, ayon sa pakikipag-usap namin sa VSSI.
Ayon pa sa kapwa manunulat at Vilmanian ding si Kuya Ed de Leon, malaki ang sakripisyo ni Jojo sa club. “Baka hindi nila alam, abonado pa si Jojo kung tutuusin,” sey ng mataray na katoto.
Ang mga pang-meryendang iniaabot ni Ate Vi sa mga Vilmanians sa tuwing nanonood sila sa teyping ng aktres pulitikoay gustong i-accountng mga ex-VSSI na akala’y binubulsa na lang ng club.
Maliwanag na sinisilipan ng butas ng mga tumiwalag ang loyalty ni Jojo sa club, subali’t ‘di natitinag ang Star for All Seasons sa tiwalang ipinagkaloob niya sa isang propesyonal at respetadong mamamayan gaya ni Jojo, dahil nakikita namin ang pagmamahal ni Ate Vi sa pangulo ng VSSI.
Ngayon lang namin nalaman na ang mga naninira kayJojo ay mga dating kasamahan na akala’y “lending business” ang VSSI o hiraman ng pondo.
“Nagbibigay si Ate Vi, pondo para sa mga nagkakasakit na miyembro, karamihan kasi ay mga matatanda na at nangangailangan ng pampagamot, hindi para utangin ang pera,” ayon sa aming kausap na VSSI member.
Napag-alaman din naming ang tumiwalag at pumuputak na miyembro ay marami nang pagkakautang sa kapwa-Vilmanians na hindi na nababayaran. Always, there are two (even 3) sides of the issues.
Nu’ng bigyan namin ng espasyo ang hinaing ni Errol (VSFFI member) dito sa BULGAR, hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na ipasagot muna kay Jojo ang iniisyung “pera” laban sa kanya, na ngayo’y kanyang binigyang-linaw. At para na rin ituwid ang lahat, humihingi kami ng paumanhin sa pangulo ng VSSI.





Comments