Hirit na New Year’s Resolution kay P-Digong | TRAIN LAW, IBASURA!


PINUNA ng lider-manggagawa na si Leody de Guzman ng Partido Lakas ng Masa (PLM) ang year end report ng Malacañang noong 2018.
Ayon kay De Guzman, ampaw ang ipinagmamalaking paglago ng ekonomiya na sinukat ng Palasyo sa pagtaas ng gross domestic product.
Paliwanag nito, hindi nito sinasalamin ang kabuang larawan ng ekonomiya at ng mamamayan. “Hindi naman nararamdaman ng masang Pilipino ang sinasabing paglago ng ekonomiya.
Kung mayroon mang istatistika na ramdam ng sikmura ng mayoryang naghihirap, ito ay ang pagsirit sa presyo ng bilihin,” paliwanag ni De Guzman.
Ang inflation rate noong Setyembre 2018 ay higit 6% na siyang pinakamataas na pagsirit sa presyo ng mga bilihin sa loob ng siyam nataon. Samantala, pinayuhan nito ang gobyernong Duterte na gumawa ng mga bagong patakarang pang-ekonomiya na lilihis sa mga naunang administrasyon bilang kanyang New Year’s Resolution.
Isa na rito ang pagrereporma sa sistema ng pagbubuwis para gamitin ang pondo ng gobyerno para umalwan sa pamumuhay ang milyun-milyong mahihirap. Aniya, dapat nitong ibasura ang TRAIN Law na nagpahirap sa mamamayan. (BRT)





Comments