top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

GURO DEDBOL SA KURYENTE

Pabs Hernandez III
Jan 4, 2019
1 min read

MAGUINDANAO—Isang guro ang namatay nang makuryente, kamakalawa sa Bgy. Bulit Datu,Montawal sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Aisa Bertigal, residente sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, nagsasampay ng kanyang mga nilabhang damit si Bertigal nang mapahawak ito sa sampayang alambre na may nakadikit na live wire mula sa poste ng Cotabato Electric Cooperative.

Dinala pa ng kanyang mga kamag-anak si Bertigal sa ospital, pero idineklara itong dead on-arrival, samantalang, inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang kaso sa management ng naturang electric cooperative.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page