Tone-toneladang basura, ibabalik sa south korea sa jan. 9


SA January 9, 2019 itinakda ng Bureau of Customs (BOC) ang pagbabalik sa South Korea ng tone-toneladang mga basura na iligal na ipinasok sa bansa at ngayon ay nasa Misamis Oriental.
Ayon sa BOC, nagkasundo na ang gobyerno ng Pilipinas at South Korea na sa Jan. 9 ibabalik sa Pyeongtaek City ang mga smuggled na 51 container na naglalaman ng mga basura.
Sa ngayon, ani Mindanao International Container Terminal Port Collector John Simon, inaasikaso na ang lahat ng regulatory requirements para sa pagbiyahe sa mga basura.
Matatandaang, November 2018 nang matuklasan ng Customs ang nasabing mga container na naglalaman ng 1,200 tons ng basura.
Dumating sa MICT port ang nasabing mga kargamento noong October 21.
Misdeclared ang shipment na naka-consigne sa Verde Soco Philippines na siya ring consignee ng mga basura galing South Korea at dumating sa Tagoloan, Misamis Oriental noong July 21. (BRT)





Comments