top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sundalo nag-amok sa kampo | 2 CAFGU AT KAPWA SUNDALO NIRATRAT

  • Jeff Tumbado
  • Jan 3, 2019
  • 1 min read

TODAS ang isang sundalo habang malubhang nasugatan ang dalawang miyembro ng Civilian Auxiliary Force Geographical Unit (Cafgu) makaraan silang ratratin ng kapwa nila kasamahan sa loob mismo ng kanilang kampo sa Isabela City, Basilan.

Nangyari ang pag-aamok ng suspek na nakilalang si Faisal Alam sa Detachment Patrol Base, 15th Company, Philippine Army sa Bgy. Kapatagan Grande, alas-6:00 ng gabi, bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay Police Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, nakilala ang nasawi sa insidente na si Corporal Sali Tagayan (Philippine Army) habang ginagamot naman sa ospital sa Zamboanga City sina Alejandro Enriquez at Sahadain Indanan Mustamad.

Lumalabas sa report na pinagbabaril ni Alam ng hawak nitong M16 armalite rifle ang mga biktima habang naka-duty ang mga ito sa naturang kampo.

Napuruhan si Corporal Tagayan sa pamamaril na dahilan ng agaran nitong pagkasawi.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang krimen na ngayon ay tinutugis na ng kapwa kasamahan at maging ng pulisya.

Inaalam din sa imbestigasyon kung ano ang dahilan ng pag-aamok ng suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page