Ngayong 2019, patuloy nating labanan ang droga at kahirapan!
- BULGAR

- Jan 3, 2019
- 1 min read

NABAWASAN ang pasaway noong 2018 kumpara noong 2017.
Batay sa ulat, bumaba ng 21% ang bilang ng mga krimen sa Metro Manila.
Kumpara noong 2017, nabawasan ng 27% ang crimes against persons; 17% ang crimes against property at 52% ang kaso ng murder.
Mula sa 1,542 murder cases noong 2017, nasa 738 na lamang ang naitala noong 2018.
Nasa 53% naman ang ibinaba ng krimen na ginawa ng riding-in-tandem kung saan ang 853 cases noong 2017 ay bumaba sa 400 cases.
Bumaba umano ang index crime rate sa Metro Manila kung saan mula sa 12 crimes every month per 100,000 population noong 2017 ay naging 9 na lang ang average na krimen kada buwan noong 2018.
Isa sa sinasabing pangunahing dahilan ay ang kampanya laban sa iligal na droga na madalas ugat ng mga krimen — mga magnanakaw, rapist o killer na gumagamit muna ng drugs bago gumawa ng kawalanghiyaan.
Sana, patuloy na bumaba ang bilang ng krimen at bukod sa war on drugs, dapat ding paigtingin ang giyera sa korupsiyon at kahirapan.





Comments