Nag-solo na, Wally… JOSE, BIDA NA SA SARILING PELIKULA
- BULGAR

- Jan 3, 2019
- 1 min read

BIDA na sa pelikulang Boy Tokwa, Lodi ng Gapo ang comedian-TV host na si Jose Manalo. Ipinagkatiwala sa kanya ng VST Productions ang pagdadala ng pelikula. Maging sina Bossing Vic Sotto, Joey de Leon at Sen. Tito Sotto ay naniniwala na kaya na ni Jose ang magbida sa isang pelikula.
Sa tinagal-tagal ng panahon na nakasama ng Tito, Vic & Joey si Jose, nakita nila na may kakayahan ito. Hindi na kailangan na sa habampanahon ay nasa anino ng TVJ ang magaling na komedyante.
Hindi na rin siya dapat na nakadepende sa tandem nila ni Wally Bayola. Panahon na upang magkaroon ng sarili niyang diskarte si Jose Manalo.
Matagal na dapat nagso-solo at nagbibida si Jose. Pero noon, ayaw nga niyang kumalas sa mga katropa niya sa Eat… Bulaga! na sina Tito, Vic & Joey, ganu’n din sa sparring partner niyang si Wally.
Hopefully, makalusot si Jose Manalo sa solo niyang project na Boy Tokwa, Lodi ng Gapo. May special role rito si Gian Sotto, konsehal ng Kyusi.





Comments