top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nabiktima ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon, mas bumaba, nice!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2019
  • 2 min read

IN fairness, nakatutuwa ang malaking pagbaba sa bilang ng firecracker injuries nitong pagsalubong sa Bagong Taon. Sa Metro Manila, truly na naging mababa ang bilang ng mga taong nabiktima ng mga paputok. Ima­gine, 78 percent daw ang ibinaba ng insidente ng paputok kung ikukumpara noong nakaraang taon; umabot lang sa 55 firecracker-related incidents ang naitala mula Dec. 21 hanggang January 1 kumpara sa 248 cases last year.

Nakikita ng Department of Health at maging ng PNP na ang hindi magandang panahon ang isa sa dahilan kaya bumaba ang bilang nito bukod pa sa mas naging aware na ang ating mga kaibigan sa inisyung order ng Malaca­ñang laban sa paggamit ng paputok.

Sa mga report mula sa probinsiya tulad ng ilang bayan sa Benguet ang nagsabing zero injury sila sa pagsa­lubong sa Bagong Taon. Nakatutuwa dahil na­kontento na ang mamamayan sa mas tahimik na pag­salubong sa Bagong Taon. Kapansin-pansin din na wala o hindi na rin uso ‘yung pagsusunog ng mga gu­long sa kalye na talaga namang nakakabanas.

Isa pang magandang balita, noong bisperas ng Bagong Taon, wala ring nairekord ang pulisya sa Metro Manila na kaso ng stray bullet. Sana lang, maging sa ibang lugar ay wala ring ganito at wala na sanang humabol pa.

Ang isa lang sa nakalulungkot ay mayroon pa ring mga pulis na trigger-happy na pagkakakulit at pasaway ‘yun na nga, pitong mga pasaway ang nahuling nagpaputok mula Dec. 16 hanggang Jan 1.

Mayroong 23 katao ang inaresto dahil sa indiscriminate firing at kasama na rito ang pitong mga pasaway na talagang hindi na dapat pinatatagal at pinag-iisipan pa ng PNP na sibakin agad-agad. Waley silang silbi sa ahensiya dahil sa utak-pulbura na makadaragdag lang sa pagkasira ng imahe ng PNP. Wish natin kay PNP Chief General Oscar Albayalde, na sibakin na ang mga pulis na ‘yan at sampahan ng mga kaso bago pa ulit makapambiktima!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page