Mag-utol na 7 at 14 nalunod sa pool, dedo
Levi Gonzales
Jan 3, 2019
1 min read
PATAY ang magkapatid matapos malunod sa isang resort sa Bgy. Sisi, Guinyangan, Quezon. Pasado alas-3:00 ng hapon, nagtungo ang biktimang sina Harry, 7, at Alexandra Nicole Inciso, 14, sa swimming pool ng Aguila Resort.
Lumusong ang dalawa hanggang sa hindi napansin ng nakababatang kapatid ang lalim nito kaya ito bumulusok.
Pinilit itong sagapin ng nakatatandang kapatid subalit, kapwa sila nawalan ng malay at tuluyang lamunin ng tubig.





Comments