Ibang pulis, dinoble na ang suweldo, ayaw pa ring magpakatino, tsk-tsk-tsk!

PNP CHIEF, PINASARINGAN NI P-DUTERTE SA PAGDAMI NG POLICE SCALAWAG—Sa talumpati ni P-Duterte sa Kidapawan City noong Dec. 29, 2018 o tatlong araw bago magtapos ang 2018, pinasaringan umano nito si PNP Chief General Oscar Albayalde dahil sa pagdami na naman ng mga scalawag.
Sa totoo lang, mabubuwisit talaga si P-Duterte kasi dinoble na niya ang suweldo ng mga parak (na ang dobladong-suweldo ay sa taxpayers kinukuha ng gobyerno), pero ayaw pa rin magpakatino.
Tulad ng dalawang nagpakilalang parak na may alyas Jun Peres at Iking na ang pakilala ay mga tauhan daw sila ni NPD Director, C/Supt. Rolando Anduyan, aba, hindi lang daw mga gambling lord sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area hinihingan nila ng payola kundi pati ang mga bigtime pusher, mga buwisit!
◘◘◘
DAPAT ATASAN NI PNP CHIEF GEN. ALBAYALDE ANG PNP-CITF NA ITOKHANG NA ANG DALAWANG NAGPAPAKILALANG ‘BATA’ NI NPD CHIEF ANDUYAN—Ang nakapagtataka kay NPD Director Rolando Anduyan, lantarang ginagamit nina “Jun Peres” at “Iking” ang kanyang pangalan sa “tongpats collection”, eh, wala pa rin itong ginagawang aksiyon.
Kung “nganga” lang si C/Supt. Anduyan sa raket nina “Jun Peres” at “Iking”, ang dapat gawin ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde ay utusan na si PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) Chief Sr. Supt. Romeo Caramat na ito na ang gumawa ng aksiyon para “matokhang” ang dalawang “tongpats collector” na ito na sumisira sa imahe ng PNP, period!
◘◘◘
HINDI MAPUPUKSA ANG DROGA HANGGA’T MAY MGA SCALAWAG SA PNP— Ang isa sa mensahe ni P-Duterte ngayong 2019 ay dapat daw makipagtulungan ang mamamayan sa gobyerno para mapuksa na ang illegal drugs at corruption.
Hay naku, paanong mapupuksa ang illegal drugs at corruption, eh, ang mga korup na parak na nagpapakilalang bata pa ng mga police general ay sila pa ang nagsisilbing protektor ng mga drug syndicate?
Pwe!
◘◘◘
BIGTIME DRUG LORD, MAY UTOL NA POLICE GENERAL?—Isang bigtime drug lord sa Northern Mindanao ang may utol daw na police general na may sensitibong posisyon sa PNP.
Gan’un? Aba, kung totoong may utol ang drug lord, bakit binigyan pa ito ng “juicy position” sa PNP?
Naku, kapag nalaman ni P-Duterte kung sino ang police general na ito, siguradong malilintikan ‘yan sa pangulo, abangan!





Comments