HOROSCOPE | ENERO 3, 2019 (Huwebes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 3, 2019 (Huwebes): Kusang kikilos ang iyong kapalaran para umangat ang iyong kalagayan kaya ang mga taong walang bilib sa iyo ay biglang magbabaitan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling magbabalik ang iyong sigasig upang mas lalo mo pang paunlarin ang iyong kabuhayan. Darami ang maiinggit sa iyo dahil kakaiba ang sigla mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-19-20-25-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Ang madalas na pag-iisip sa hinaharap ay hindi nakagaganda para sa iyo dahil ito ang dahilan kung bakit ka masisingitan ng mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-23-28-30-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag kang mabahala kung nasisingitan ka ng iyong mga karibal, ang totoo, sila ang dapat mabahala dahil sa muling pag-arangkada ng iyong kapalaran, sila ay matutumba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lottp-6-13-25-26-31-32.
CANCER (June 21- July 22) - Lalambot ang iyong puso at patatawarin mo ang mga taong nagkamali sa iyo. May ilan kang patatawarin na makagagawang muli ng pagkakamali. Ito ang nakaguhit sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-29-39-40-41-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong hanapin ang mali dahil tiyak na makikita mo ito. Malaki ang epekto sa buhay ng tao kung ano ang kanyang nakikita. Ang hanapin mo ay kung ano ang makabubuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-9-15-17-25-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tanggapin mo ang mga kahinaan mo. Ito ang simula ng pagbabago. Hindi gaganda ang buhay mo kung hindi ka magbabago. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-22-28-39-41-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kikilos ang kapalaran mo na hindi pabor sa iyo. Ang tawag dito ay mapaglarong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-21-23-28-30-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magiging abala ka hindi para sa sarili mo kundi para sa ibang tao. Sa ganitong paraan, ang paghanga ng langit ay para sa iyo dahil sa pagsasakripisyo mo. Tatanggap ka ng mga biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-9-12-18-28-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ka, pero hindi ka puwedeng magtiwala nang sobra sa iyong sarili dahil ang malakas ay humihina rin. Ipagpatuloy mo ang iyong maayos at malinis na pamumuhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-4-8-21-28-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Simulan mo nang tuparin ang iyong mga plano sa buhay lalo na kapag nakita mo ang mga senyales na ikaw ay masaya at hindi kinokontra ng mga tao sa iyong paligid. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-18-25-30-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Humahabol sa iyong kapalaran ang ilang masasayang pangyayari. Bagama’t, ang gusto mo ay pahinga muna, hindi pa puwede dahil magsasaya ka pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-17-20-29-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagdaratingan ang mga suwerte mo mula sa malayo at hindi ito madaling matatapos, kaya aabot pa ito nang mahabang panahon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-25-27-39-40-42.




Comments