Construction worker kulong sa droga
UMABOT sa 13 plastic sachets ng shabu ang narekober ng mga awtoridad sa isang construction worker na nasa drug watchlist ng pulisya matapos maaresto sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Head PCI Ilustre Mendoza ang naarestong suspek na si Donnie Mendoza, 39, ng Bgy. Tangos.
Sa imbestigasyon ni PO2 Jaypee Mañalac, alas-7:00 ng gabi, nagsasagawa ng regular patrol at monitoring sina PO1 Raymund Nagal at PO1 Laurence Candidato sa kahabaan ng A. Cruz Street nang mapansin ang suspek na abala umano sa pagbusisi sa isang leather coin purse na naglalaman ng mga transparent plastic sachet.
Nilapitan ng mga pulis ang suspek at inaresto kung saan narekober sa kanya ang 13 transparent plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.





Comments